Dear Dale,
Kamusta ka na? Si Neil? Ahh, napasulat ako sa iyo dahil may gusto akong sabihin. Ipagpalagay na lang natin na isang sulat pamamaalam para sa iyo. Sana sa huli kong sulat na ito ay malaman mo kung ano talaga ang nararamdaman ko ngayon. Alam mo, ito ang kauna-unahang ginawa kong sulat para sa isang taong tulad mo. Kadalasan kasi ay di ako nagsusulat, pinag-wawalang-bahala ko na lang, hindi katulad nito na pinagsikapan ko talaga at pinagpuyatan, maiparating lang sa iyo.
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Dederetshain na kita. Nabasa mo na siguro ang mga naunang mga blog ko, na patungkol pa rin sa iyo. Kung hindi pa eh, marapatin mo sana na pakiusapan kita na basahin muna ang mga nauna kong blog bago ito upang mas maintindihan mo ang aking mga sasabihin sa iyo.
Doon ko lang naman isinalaysay ang maikling kasaysayan ng ating mga naging pag-uusap at ang lahat ng nangyari sa akin, sa iyo, kay Neil pati kay Aerol, at sumali pa itong si May. Napag-isip isip ko rin na sa ganitong paraan lamang maiibsan ang nararamdaman ko. Ika nga, sabi nila, na hindi ka makakalimot sa nakaraan kung hindi mo ibabahagi sa iba ang naging karansan mo. Buti na lang, hanggang dito lamang sa blog nalalaman ang lahat ng ito, hindi sa Maalaala Mo Kaya ni Ms. Charo Santos.
Doon mo mababasa ang lahat ng katangahan ko, ang saya na naramdaman ko, ang lungkot, ang pagkamakasalanan ko, ang panghihimasok ko sa buhay ng may buhay na pala. Pero lahat ng iyon ay isang alaala na lamang. Ang Edward na iyon na ibinaon na sa limot at kailanman ay di na maaaring gumala pa.
Siguro nga, dala ng pagka-newbie ko sa larangan na ito, ay nauto mo ako, napaasa kumbaga. Pero wag kang mag-alala, ang karma hanggang impyerno ang resbak. Matagal ko na sanang sinabi ito sa iyo, pero wala akong lakas ng loob, kaya heto, dito na lang ako magpapaalam.
Dale, dala na siguro ng killer looks at killer texts at posts mo sa Facebook eh, napapatawa mo ako sa bawat araw na may chatting session tayo. Sa totoo lang, napapa-smile ako ng walang dahilan. Hinihintay kita buong araw kung mag-oonline ka o hindi, inaabangan ang inbox ko kung nag-text ka na at binabalik-balikan ang mga nakaraan nating pag-uusap. Kumbaga eh, sa iyo umikot ang mundo ko noong mga panahong iyon, ikaw ang laging nasa isip ko, ikaw parati ang bumubuo sa araw ko. Ang corny mang sabihin pero totoo ang lahat ng ito.
Ilang araw matapos tayong nagkakilala ay tinignan ko ang profile mo sa nasabing social networking site. Nag-post ka tapos may apat yata o limang tao na nag-like sa status mo. Naging mausisa ako nooong mga panahong iyon kaya naisipan kong tignan ang mga taong nag-like. May nakita akong ma-pontensyal na "liker" kung tawagin nila. Isang Neil na photographer daw ng Flickr (daw kasi dahil di naman lahat ng information sa Internet ay karapat-dapat na paniwalaan). Timing rin na ilang mga minuto lamang ang nakalipas ay nag-accept na siya. Agad akong nagpakilala sa chat at nagpasalamat sa kabutihang loob niya sa pag-accept ng nasabing request. Doon ko siya nakilala, sa ganoong paraan. Doon ko rin nalaman ang totoo.
Kaya naman pala hindi ka na masyadong nag-rereply sa akin ng mga panahong iyon at ngayon ay ni isang text ay wala akong natanggap mula sa iyo. Okay lang yun. Alam mo namang babanat at babanat talaga ako kahit di mo mapansin. Sa kabila ng lahat, masasabi ko pa rin na ang swerte swerte ko kahit na ganito ang naging sitwasyon ko sa aking buhay. Noong gabi doon pa kami nagka-usap ni Neil nang masinsinan. Ngunit mga bandang alas-diyes ay may isang Aerol ang nais makipag-friend sa akin sa Facebook. Sa walang pag-aatubili ay agad ko itong inaksept (inaccept). Nagkaroon agad kami ni Aerol ng chatting sesion. Andaming niyang tanong sa akin, at lahat ng iyon ay patungkol sa iyo, sa akin, sa ating dalawa, at sa friend raw niya. Mas nalaman ko mula kay Aerol ang totoo dahil sinabi niya.
Agad akong nagdesisyon na kumalas, patawarin ka, at kalimutan na lang ang lahat. Ngunit hindi pala ganoon kadali ang salitang "move-on", sa Facebook pa lang di na kita matanggal-tanggal sa ang relationship status ko. Pero ganoon man ako kahina, eh may ibubuga pa rin naman ako kahit papaano kasi kahit naging malungkot ako dahil pa rin sayo, at least di ako umiyak at nagloko tulad ng iba. Sa halip ay pinag-ibayuhan ko pa ang aking pag-aaral. Hindi naman ako nagagalit sa iyo, nagpapasalamat pa nga. Kasi dahil sayo naging matapang ako, naging mas matatag na suungin ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay sa akin ng Panginoong Diyos.
Maiba ako, hindi naman sa sinusulsulan kita pero mag-ingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo at baka isang araw ay malaman mong matagal-tagal ka na palang nililinlang. Sige ka, ma-karma ka ay baka di mo kayanin. Kaya payo ko sa iyo, harapin mo sila habang sila ay nakatalikod pa. Kuha mo?
Basta yun na yun. Ikaw na ang bahalang mag-interpret. Basta tinulungan na kita at pinaalahanan.
Dale, nasaktan mo man ako ay nakatulong ka pa rin. Salamat. Sana wag mo nang ulitin iyon sa ibang taong naghahanap ng totooong relasyon, yung hindi fairplay. Magtino ka na sana at maging masaya ka sa piling ng mga nagmamahal sa iyo.
Pero bago ako mag-paalam ay may isisingit pa ako. Balang araw ay magkikita tayo, tandaan mo yan. Hahanapin kita. At kapag nakita na kita, saka kita sasampalin. Joke lang. Gusto kong makita ka para mapasalamatan ka ng personal. Pero malayo pa yun. Saka na lang kapag nagkita na talaga tayo.
Oh, sige. Hanggang dito na lang siguro ako. Paalam. Hanggang sa tayo'y magkita. Ahaha.
Nagmamahal,
Edward